Add parallel Print Page Options

Ilagay mo ang aking kopang pilak sa ibabaw ng sako ng bunso, at ang kanyang salapi para sa trigo.” Ginawa niya ang ayon sa sinabi ni Jose.

Nang nagliliwanag na ang umaga, isinugo na ang mga lalaki, kasama ang kanilang mga asno.

Nang sila'y makalabas na sa bayan, at hindi pa sila nakakalayo, sinabi ni Jose sa katiwala ng kanyang bahay, “Bumangon ka, habulin mo ang mga lalaki, at kapag sila'y inabutan mo, ay sabihin mo sa kanila, ‘Bakit ginantihan ninyo ng kasamaan ang kabutihan? Bakit ninyo ninakaw ang aking kopang pilak?[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. Genesis 44:4 Sa ibang mga kasulatan ay walang Bakit ninyo ninakaw ang aking kopang pilak?