Add parallel Print Page Options

At pagliliwanag ng kinaumagahan, ay pinapagpaalam ang mga lalake, sila at ang kanilang mga asno.

Nang sila'y mangakalabas na sa bayan, at hindi pa sila nalalayo, ay sinabi ni Jose sa katiwala ng kaniyang bahay, Bumangon ka habulin mo ang mga lalake; at pagka sila'y iyong inabutan, ay sabihin mo sa kanila, Bakit iginanti ninyo ay kasamaan sa kabutihan?

Hindi ba ang sarong ito ang iniinuman ng aking panginoon, at tunay na kaniyang (A)ipinanghuhula? Kayo'y gumawa ng masama sa paggawa ng ganiyan.

Read full chapter