Font Size
Genesis 45:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Genesis 45:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 Ngunit huwag na ninyong ikalungkot ang nangyari. Huwag ninyong sisihin ang inyong sarili sa ginawa ninyo sa akin. Ang Diyos ang nagpadala sa akin dito upang iligtas ang maraming buhay. 6 Dalawang taon pa lamang ang taggutom, limang taon pa ang darating at walang aanihin sa mga bukirin. 7 Pinauna ako rito ng Diyos upang huwag malipol ang ating lahi.
Read full chapter