Add parallel Print Page Options

(A)Ako'y bababang kasama mo sa Egipto; (B)at tunay na iaahon kita uli, (C)at ipapatong ni Jose ang kaniyang kamay sa iyong mga mata.

At bumangon si Jacob mula sa Beer-seba; at dinala ng mga anak ni Israel si Jacob na kanilang ama, at ang kanilang mga bata, at ang kanilang mga asawa, sa mga kariton (D)na ipinadala ni Faraon kay Jacob.

At kanilang dinala ang kanilang mga hayop, at ang kanilang mga pagaari na kanilang inimpok sa lupain ng Canaan, at na pasa Egipto, si (E)Jacob at ang buong binhi niya na kasama niya.

Read full chapter