Add parallel Print Page Options

Ipinakilala niya agad sa Faraon ang lima sa kanyang kapatid.

Tinanong sila ng Faraon, “Ano ang trabaho ninyo?”

Sumagot sila, “Mga pastol po kami ng hayop, katulad ng mga magulang namin. Pumunta kami rito para pansamantalang manirahan dahil matindi po ang taggutom sa Canaan, at wala na kaming mapagpastulan ng mga hayop namin. Hinihiling po namin sa inyo na kung maaari ay payagan nʼyo kaming manirahan sa Goshen.”

Read full chapter