Add parallel Print Page Options

20 Sa ganito'y binili ni Jose ang buong lupain ng Egipto para kay Faraon; sapagka't ipinagbili ng bawa't isa sa mga Egipcio ang kaniyang bukid, dahil sa ang kagutom ay totoong mahigpit sa kanila: at ang lupain ay naging kay Faraon.

21 At tungkol sa mga tao ay kanilang ibinago sila sa mga bayan mula sa isang dulo ng hanganan ng Egipto hanggang sa kabilang dulo,

22 (A)Ang lupa lamang ng mga saserdote ang hindi niya nabili: sapagka't ang mga saserdote'y may bahagi kay Faraon, at kanilang kinakain ang kanilang bahagi na ibinibigay sa kanila ni Faraon; kaya hindi nila ipinagbili ang kanilang lupa.

Read full chapter