Genesis 47:4-6
Ang Biblia (1978)
4 At kanilang sinabi kay Faraon, (A)Upang makipamayan sa bayang ito ay naparito kami; sapagka't walang makain ang mga kawan ng iyong mga lingkod; dahil sa ang kagutom ay mahigpit sa lupain ng Canaan: ngayon nga, ay isinasamo namin sa iyo, na pahintulutan mo na ang iyong mga lingkod ay (B)tumahan sa lupain ng Gosen.
5 At sinalita ni Faraon kay Jose, na sinasabi, Ang iyong ama at ang iyong mga kapatid ay naparito sa iyo:
6 (C)Ang lupain ng Egipto ay nasa harap mo; sa (D)pinakamabuti sa lupain ay patirahin mo ang iyong ama at ang iyong mga kapatid; sa lupain ng Gosen (E)patirahin mo sila: at kung may nakikilala kang mga matalinong lalake sa kanila, ay papamahalain mo sa aking hayop.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978