Add parallel Print Page Options

22 “Ikaw Jose, katulad ka ng mailap na asno sa tabi ng bukal o sa tabi ng bangin.[a] 23 Kaiinisan ka ng mga mamamana. Sa galit nila ay papanain ka nila, 24 pero palagi mo rin silang papanain. At ang braso mo ay patuloy na lalakas, dahil sa tulong ng Makapangyarihang Dios ni Jacob, ang tagapagbantay at ang Bato na kanlungan ng Israel.

Read full chapter

Footnotes

  1. 49:22 Ikaw Jose … bangin: o, Ikaw Jose, katulad ka ng tanim na malapit sa bukal, na gumagapang sa may pader.