Font Size
Genesis 49:25-27
Ang Biblia (1978)
Genesis 49:25-27
Ang Biblia (1978)
25 (A)Sa pamamagitan nga ng Dios ng iyong ama, na siyang tutulong sa iyo,
At sa pamamagitan ng Makapangyarihan sa lahat, na siyang magpapala sa iyo,
Ng pagpapala ng langit sa itaas, Pagpapala ng mga kalaliman na nalalagay sa ibaba,
Pagpapala ng mga dibdib at ng bahay-bata.
26 Ang mga basbas ng iyong ama na humigit sa basbas ng aking mga kanunuan
(B)Hanggang sa wakas ng mga burol na walang hanggan:
Mangapapasa ulo ni Jose,
At sa tuktok ng ulo niya na bukod tangi sa kaniyang mga kapatid.
27 (C)Si Benjamin ay isang lobo na mang-aagaw:
Sa kinaumagaha'y kaniyang kakanin ang huli,
(D)At sa kinahapunan ay kaniyang babahagihin ang samsam.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978