Font Size
Genesis 49:9-11
Ang Biblia (1978)
Genesis 49:9-11
Ang Biblia (1978)
9 (A)Si Juda'y isang anak ng leon, Mula sa panghuhuli, anak ko umahon ka:
(B)Siya'y yumuko, siya'y lumugmok na parang leon;
At parang isang leong babae; sinong gigising sa kaniya?
10 (C)Ang setro ay hindi mahihiwalay sa Juda,
(D)Ni ang tungkod ng pagkapuno sa pagitan ng kaniyang mga paa,
(E)Hanggang sa ang Shiloh ay dumating;
(F)At sa kaniya tatalima ang mga bansa.
11 Naitatali ang kaniyang batang asno sa puno ng ubas.
At ang guya ng kaniyang asno sa puno ng piling ubas;
Nilabhan niya ang kaniyang suot sa alak,
At ang kaniyang damit sa katas ng ubas.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978