Font Size
Genesis 50:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Genesis 50:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
11 Nasaksihan ng mga taga-Canaan ang ginawang pagpaparangal na ito, kaya't nasabi nila, “Ganito palang magluksa ang mga taga-Egipto!” Dahil dito'y tinawag na Abelmizraim[a] ang lugar na iyon.
12 Sinunod nga ng mga anak ni Jacob ang hiling ng kanilang ama. 13 Dinala(A) nila sa Canaan ang bangkay at doon inilibing sa yungib na nasa kaparangan ng Macpela, silangan ng Mamre, na binili ni Abraham kay Efron na Heteo.
Read full chapterFootnotes
- 11 ABELMIZRAIM: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Abelmizraim” at “pagluluksa ng mga taga-Egipto” ay magkasintunog.