Font Size
Genesis 50:9-11
Magandang Balita Biblia
Genesis 50:9-11
Magandang Balita Biblia
9 May mga nangangabayo, may mga sakay sa karwahe—talagang napakarami nila.
10 Pagsapit nila sa giikan sa Atad, sa silangan ng Ilog Jordan, huminto muna sila. Nagdaos sila roon ng luksang-parangal sa yumao, at pitong araw na nagdalamhati roon si Jose. 11 Nasaksihan ng mga taga-Canaan ang ginawang pagpaparangal na ito, kaya't nasabi nila, “Ganito palang magluksa ang mga taga-Egipto!” Dahil dito'y tinawag na Abelmizraim[a] ang lugar na iyon.
Read full chapterFootnotes
- Genesis 50:11 ABELMIZRAIM: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Abelmizraim” at “pagluluksa ng mga taga-Egipto” ay magkasintunog.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.