Add parallel Print Page Options

May mga nangangabayo, may mga sakay sa karwahe—talagang napakarami nila.

10 Pagsapit nila sa giikan sa Atad, sa silangan ng Ilog Jordan, huminto muna sila. Nagdaos sila roon ng luksang-parangal sa yumao, at pitong araw na nagdalamhati roon si Jose. 11 Nasaksihan ng mga taga-Canaan ang ginawang pagpaparangal na ito, kaya't nasabi nila, “Ganito palang magluksa ang mga taga-Egipto!” Dahil dito'y tinawag na Abelmizraim[a] ang lugar na iyon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 11 ABELMIZRAIM: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Abelmizraim” at “pagluluksa ng mga taga-Egipto” ay magkasintunog.