Add parallel Print Page Options

Ang Baha

Sinabi ng Panginoon kay Noe, “Pumasok ka sa barko kasama ng buong pamilya mo. Sapagkat sa lahat ng tao sa panahong ito, ikaw lang ang nakita kong matuwid. Magdala ka ng pitong pares sa bawat uri ng malinis[a] na hayop, pero isang pares lang sa bawat uri ng maruming hayop. At magdala ka rin ng pitong pares sa bawat uri ng ibon. Gawin mo ito para mabuhay sila sa mundo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 7:2 malinis: Ang ibig sabihin, maaaring ihandog o kainin.