Font Size
Genesis 7:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Genesis 7:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Baha
7 Sinabi ni Yahweh kay Noe, “Pumasok kayong mag-anak sa barko. Sa lahat ng tao'y ikaw lamang ang nakita kong namumuhay ng matuwid. 2 Magdala ka ng pitong pares sa bawat hayop na malinis, at isang pares naman sa di-malinis. 3 Pitong pares din sa bawat uri ng ibon ang iyong dadalhin. Gawin mo ito upang magpatuloy ang kanilang lahi sa balat ng lupa.
Read full chapter