Add parallel Print Page Options

Sapagka't ang (A)pangitain ay sa panahong takda pa, at nagmamadali sa pagkatapos, at hindi magbubulaan: bagaman nagluluwat ay hintayin mo; sapagka't walang pagsalang (B)darating, hindi magtatagal.

Narito, ang kaniyang kaluluwa ay nagpapalalo, hindi tapat sa kaniya; nguni't (C)ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya.

Oo, (D)bukod dito'y ang alak ay magdaraya, isang taong hambog, at hindi natitira sa bahay; na lumaki ang kaniyang nasa na parang Sheol, at siya'y parang kamatayan, at hindi masisiyahan, kundi pinipisan sa kaniya ang lahat na bansa, at ibinubunton sa kaniya ang lahat na bayan.

Read full chapter