Font Size
Habakuk 1:6-8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Habakuk 1:6-8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
6 Sapagkat pamamahalain ko ang mga taga-Babilonia,[a] na kilala sa kalupitan at karahasan. Mabilis nilang sinasalakay ang mga bansa sa buong mundo upang agawin ang mga lugar na hindi kanila. 7 Kinatatakutan sila ng mga tao. Ginagawa nila ang gusto nila at walang makakapigil sa kanila. 8 Ang mga kabayo nilaʼy mas mabilis kaysa sa mga leopardo at mas mabangis kaysa sa mga lobo na gumagala sa gabi. Tumatakbo ito mula sa malalayong lugar, parang agilang mabilis na lumilipad para dagitin ang kanyang biktima.
Read full chapterFootnotes
- 1:6 taga-Babilonia: sa literal, taga-Caldeo. Ito ang tawag kung minsan sa mga taga-Babilonia.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®