Add parallel Print Page Options

Gayon ma'y magpakalakas ka (A)ngayon, Oh Zorobabel, sabi ng Panginoon; at magpakalakas ka, Oh Josue, na anak ni Josadac, na pangulong saserdote; at mangagpakalakas kayo, kayong buong bayan sa lupain, sabi ng Panginoon, at (B)kayo'y magsigawa: sapagka't ako'y sumasa inyo sabi ng Panginoon ng mga hukbo,

Ayon (C)sa salita na aking itinipan sa inyo nang kayo'y magsilabas sa Egipto, at ang (D)aking Espiritu ay nanahan sa inyo: huwag kayong mangatakot.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (E)Minsan na lamang, sangdaling panahon, at (F)aking uugain ang langit, at ang lupa, at ang dagat, at ang tuyong lupa;

Read full chapter