Add parallel Print Page Options

Yayanigin ko ang lahat ng bansa at dadalhin nila rito sa templo ang kanilang mga kayamanan. Kaya mapupuno ang templong ito ng mga mamahaling bagay. Sapagkat ang mga ginto at mga pilak ay akin. Magiging mas maganda ang bagong templo kaysa sa dati. At bibigyan ko ang lugar na ito[a] ng kapayapaan at mabuting kalagayan sa buhay. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:9 ang lugar na ito: Ang templo o ang Jerusalem.