Add parallel Print Page Options

36 At ang iba'y nangagkaroon ng pagsubok sa pagkalibak at pagkahampas, oo, bukod dito'y sa mga tanikala at bilangguan naman:

37 Sila'y pinagbabato, (A)pinaglagari, pinagtutukso, pinagpapatay sa tabak: (B)sila'y nagsilakad na paroo't parito na may balat ng mga tupa't kambing: na mga salat, nangapipighati, tinatampalasan

38 ((C)Na sa mga yaon ay hindi karapatdapat ang sanglibutan), na nangaliligaw sa mga ilang at sa mga kabundukan at sa mga yungib, at sa mga lungga ng lupa.

39 At ang lahat ng mga ito, (D)nang sila'y mapatotohanan na dahil sa kanilang pananampalataya, ay hindi (E)kinamtan ang pangako,

Read full chapter