Add parallel Print Page Options

May nagpa­totoo sa isang dako:

Ano ang tao upang alalahanin mo siya? O, sino ang anak ng tao upang pagmalasakitan mo siya?

Sa maikling panahon ay ginawa mo siyang mababa kaysa mga anghel. Pinutungan mo siya ng kaluwal­hatian at karangalan. Ipinailalim mo sa kaniya ang lahat ng gawa ng iyong mga kamay. Ipinasakop mo ang lahat ng bagay sa kaniyang mga paa.

Sapagkat nang ipinasakop ng Diyos ang lahat ng bagay sa kaniya walang anumang bagay na hindi ipinasakop sa kaniya. Ngunit sa ngayon ay hindi pa natin nakikita ang lahat ng bagay na napailalim sa kaniya.

Ngunit nakikita natin si Jesus. Sa maikling panahon ay ginawa siyang mababa kaysa sa mga anghel na dahil sa kahirapan sa kamatayan ay pinutungan ng kaluwalhatian at karangalan. Ito ay upang sa pamamagitan ng biyaya Diyos ay tikman niya ang kamatayan para sa lahat ng tao.

10 Ang lahat ng mga bagay ay para sa Diyos at siya ang pinagmulan ng lahat ng bagay. Nang siya ay magdala ng maraming anak sa kaluwahatian, nararapat na gawin niyang ganap ang may akda ng kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng kahirapan. 11 Sapagkat siya na nagpapaging-banal at ang mga pinaging-banal ay kabilang sa iisang sambahayan. Kaya ito ang dahilan na kung tawagin niya silang mga kapatid ay hindi siya nahihiya. 12 Sinabi niya:

Ipahahayag ko ang pangalan mo sa aking mga kapatid. Aawitin ko ang iyong papuri sa gitna ng iglesiya.

13 At muli sinabi niya:

Ilalagak ko ang aking tiwala sa kaniya.

At muli sinabi niya:

Narito, ako at ang mga anak na ibinigay ng Diyos sa akin.

14 Yamang ang mga anak ay may laman at dugo, siya din naman ay nakibahagi ng ganoon, upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kaniyang mapawalang-bisa ang diyablo na siyang may hawak ng kapangyarihan ng kamatayan. 15 Gayun­din sa pamamagitan ng kamatayan ay kaniyang mapalaya ang sinu­mang natatakot sa kamatayan at sa kanilang buong buhay ay nasa ilalim ng pagkaalipin.

Read full chapter