Add parallel Print Page Options

Ngunit kung walang pananam­palataya, walang sinumang tunay na makakapag­bigay-lugod sa kaniya. Sapagkat ang lumalapit sa Diyos ay dapat sumam­palatayang may Diyos at dapat siyang sumampalatayang siya ang nagbibigay gantimpala sa mga masikap na humahanap sa kaniya.

Sa pamamagitan ng pananampalataya, si Noe ay naghanda ng isang arka nang magbabala ang Diyos sa kaniya patungkol sa mga bagay na hindi pa niya nakikita. Inihanda niya ito ng may banal na pagkatakot upang mailigtas niya ang kaniyang sambahayan. Sa pamamagitan nito, hinatulan niya ang sanli­butan. At siya ay naging tagapagmana ng katuwiran na kani­yang tinanggap sa pamamagitan ng pananampalataya.

Sa pamamagitan ng pananampalataya, si Abraham na tinawag ng Diyos ay sumunod at nagtungo sa isang dako na malapit na niyang tanggapin bilang pamana. Bagaman hindi niya alam kung saan siya patungo, lumabas siya.

Read full chapter