Add parallel Print Page Options

10 Sapagkat sila ay nagtutuwid sa atin, ayon sa ipinapalagay nilang mabuti, sa maikling panahon. Ngunit ang Diyos ay tumutuwid para sa ating kapakinabangan at upang tayo ay maging kabahagi ng kaniyang kabanalan. 11 Ngunit walang pagtutuwid na parang kasiya-siya sa kasa­lukuyan. Ito ay masakit ngunit sa katagalan, ito ay nagdudulot ng mapayapang bunga ng katuwiran, sa mga nasasanay ng pagtutuwid.

12 Kaya nga, itaas ninyo ang inyong mga nanghihinang kamay at ituwid ninyo ang inyong mga tuhod na nangangatog.

Read full chapter