Font Size
Hebreo 12:5-7
Ang Salita ng Diyos
Hebreo 12:5-7
Ang Salita ng Diyos
5 Nakalimutan na ba ninyo ang salitang nagpapalakas ng inyong loob na tumutukoy sa inyo bilang mga anak? Ang sinasabi:
Anak ko, kung itinutuwid ka ng Panginoon, huwag mong ipagwalang bahala. At kung sinasaway ka niya, huwag manghina ang iyong loob.
6 Sapagkat itinutuwid ng Panginoon ang mga iniibig niya, pinapalo ang bawat tinatanggap niya bilang anak.
7 Kung nagbabata kayo ng pagtutuwid, ang Diyos ay siyang gumagawa sa inyo bilang mga anak. Sapagkat alin bang anak ang hindi itinutuwid ng kaniyang ama?
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International