Add parallel Print Page Options

Ang lahat ng anak ay dumaranas ng pagtutuwid. Ngunit kung hindi kayo itinutuwid, kayo ay mga anak sa labas at hindi kayo mga tunay na anak. Higit pa dito, lahat tayo ay may mga ama sa laman at itinutuwid nila tayo. At iginagalang natin sila. Hindi ba lalong nararapat na handa tayong magpasakop sa ating Ama ng espiritu upang tayo ay mabuhay? 10 Sapagkat sila ay nagtutuwid sa atin, ayon sa ipinapalagay nilang mabuti, sa maikling panahon. Ngunit ang Diyos ay tumutuwid para sa ating kapakinabangan at upang tayo ay maging kabahagi ng kaniyang kabanalan.

Read full chapter