Add parallel Print Page Options

Babala sa mga Lumilihis ng Landas

Kaya dapat nating panghawakang mabuti ang mga katotohanang narinig natin para hindi tayo maligaw. Isipin ninyo: Ang Kautusang ibinigay ng Dios sa pamamagitan ng mga anghel ay napatunayang totoo, at tumanggap ng kaukulang parusa ang bawat taong lumabag o sumuway dito. Kaya hindi tayo makakaligtas kung babalewalain natin ang dakilang kaligtasang ito. Ang Panginoon mismo ang unang nagpahayag ng kaligtasang ito, at pinatunayan sa atin ng mga nakarinig sa kanya.

Read full chapter