Add parallel Print Page Options

10 Ito ay sapagkat ang sinumang pumapasok sa kaniyang kapahingahan, siya rin naman ay nagpahinga sa kaniyang mga gawa kung paanong ang Diyos ay nagpahinga mula sa kaniyang mga gawa. 11 Kaya nga, sikapin nating makapasok sa kapahingahang iyon upang walang sinumang bumagsak sa ganoon ding halimbawa ng pagsuway.

12 Sapagkat buhay at mabisa ang salita ng Diyos at higit na matalas ito kaysa sa alin mang tabak na may dalawang talim. Bumabaon ito hanggang sa ikapaghihiwalay ng kaluluwa at ng espiritu at ng kasu-kasuan at utak ng buto. Nakakatalos ito ng mga pag-iisip at mga saloobin ng puso.

Read full chapter