Font Size
Hebreo 4:2-4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Hebreo 4:2-4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
2 Sapagkat nakarinig din tayo ng Magandang Balita katulad nila, pero naging walang saysay ang narinig nila dahil hindi sila sumampalataya. 3 Tayong mga sumasampalataya ang magkakamit ng kapahingahang mula sa Dios. Ngunit hindi ito makakamit ng hindi sumasampalataya, dahil sinabi ng Dios,
“Sa galit ko, isinumpa kong hindi nila makakamtan ang kapahingahang galing sa akin.”[a]
Hindi ibig sabihin na wala pa ang kapahingahan. Ang totoo, nariyan na ito mula pa nang likhain ang mundo. 4 Sapagkat sinasabi ng Kasulatan tungkol sa ikapitong araw,
“Sa ikapitong araw, nagpahinga ang Dios sa kanyang paglikha.”[b]
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®