Add parallel Print Page Options

Muli, nagta­laga siya ng isang takdang araw, nang siya ay nagsalita kay David pagka­lipas ng matagal na panahon. Ang tinawag dito ay Ngayon. Gaya ng sinalita niya noong una, sinabi niya:

Ngayon, kung marinig ninyo ang kaniyang tinig, huwag ninyong pagmatigasin ang inyong mga puso.

Sapagkat kung binigyan sila ni Josue ng kapahingahan, hindi na sana siya nagsalita ng iba pang araw, pagkatapos niyaon. Kaya nga, mayroon pang kapahingahang nananatili para sa mga tao ng Diyos.

Read full chapter