Add parallel Print Page Options

10 Sapagkat nang salubungin ni Melquisedec si Abraham, si Levi ay nasa baywang pa ng kaniyang ninuno.

Si Jesus ay Tulad ni Melquisedec

11 Nang ibigay ng Diyos ang kautusan sa mga tao, ito ay nakabatay sa gawaing pagiging saserdote na nauukol sa mga angkan ni Levi. Hindi ba totoo na kung ang pagiging-ganap ay sa pamamagitan ng gawain ng pagiging saserdoteng iyon, hindina kailangang magkaroon ng iba pang saserdote? Gayunman, itinalaga ng Diyos ang saserdote na ito ayon sa pangkat ni Melquisedec at hindi ayon sa angkan ni Aaron.

12 Sapagkat nang baguhin ng Diyos ang pagkasaserdote, kinakailangang baguhin din niya ang kautusan.

Read full chapter