Add parallel Print Page Options

Ngayon, isipin natin kung gaano kadakila ang taong ito, na maging si Abraham na ating ninuno ay nagbigay sa kaniya ng ikapu sa kaniyang mga samsam. Ang mga anak nga ni Levi na naging mga saserdote ay may kautusan na kumuha ng ikapu mula sa mga tao. Ito ay ang kaniyang mga kapatid bagaman sila ay nagmula sa baywang ni Abraham. Ngunit siya na ang angkan ay hindi nanggaling sa kanila ay kumuha ng ikapu mula kay Abraham at siya na tumanggap ng mga pangako ay kani­yang pinagpala.

Read full chapter