Add parallel Print Page Options

Sapagkat kung ang unang tipan ay walang kakulangan, hindi na sana naghahanap pa ng lugar para sa ikalawang tipan. Sapagkat nakita ng Diyos ang pagkukulang sa kanila, na sinasabi:

Akong Panginoon ang nagsasabi: Narito, duma­rating ang mga araw. Itatatag ko ang isang bagong tipan sa sambahayan ni Israel at sa sambahayan ni Juda.

Ito ay hindi tulad sa lumang tipan na aking ginagawa sa kanilang mga ninuno, sa araw nang akayin ko sila at inilabas sa bayan ng Egipto. Dahil hindi sila naging tapat sa aking tipan, kaya pinabayaan ko sila.

Read full chapter