Add parallel Print Page Options

Ito ay hindi tulad sa lumang tipan na aking ginagawa sa kanilang mga ninuno, sa araw nang akayin ko sila at inilabas sa bayan ng Egipto. Dahil hindi sila naging tapat sa aking tipan, kaya pinabayaan ko sila. 10 At akong Panginoon ang nagsasabi: Ito ang tipan na aking gagawin sa sambahayan ni Israel pagkaraan ng mga araw na yaon. Ilalagay ko aking mga ang kautusan sa kanilang mga isip at isusulat ko din ang mga ito sa kanilang mga puso. At ako ay magiging Diyos nila at sila ay magiging mga tao ko. 11 Wala nang magtuturo sa kaniyang kapwa o sa kaniyang kapatid: Kila­lanin mo ang Panginoon. Sapagkat makikilala ako ng lahat, maging ng mga dakila at hindi dakila.

Read full chapter