Font Size
Hosea 1:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Hosea 1:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
6 Naglihing muli si Gomer at isang babae naman ang kanyang naging anak. Sabi ni Yahweh kay Hosea, “Tawagin mo siyang Lo-ruhama[a] sapagkat hindi ko na kahahabagan ni patatawarin man ang Israel. 7 Ngunit kahahabagan ko ang sambahayan ni Juda. Ililigtas ko sila, subalit hindi sa pamamagitan ng pana, tabak, digmaan, mga kabayo, ni ng mga mangangabayo man, kundi sa pamamagitan ng sarili kong kapangyarihan.”
8 Nang si Lo-ruhama ay mahiwalay na sa pagpapasuso ng ina, naglihi muli si Gomer at nagsilang ng isang lalaki.
Read full chapterFootnotes
- 6 LO-RUHAMA: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito'y “hindi kahahabagan”.