Font Size
Hosea 10:10-12
Magandang Balita Biblia
Hosea 10:10-12
Magandang Balita Biblia
10 Sasalakayin[a] ko ang bayan,
at magsasanib ang mga bansa laban sa inyo.
Kayo'y pinarusahan ko dahil sa patung-patong na kasalanan.
11 “Ang Efraim ay parang dumalagang baka
na sanay at mahilig sa gawang paggiik,
ngunit ngayo'y isisingkaw ko na siya;
ang Juda ang dapat humila ng araro;
at ang Israel naman ang hihila ng suyod.
12 Maghasik(A) kayo ng katuwiran,
at mag-aani kayo ng tapat na pag-ibig.
Bungkalin ninyong muli ang napabayaang lupa,
sapagkat panahon na upang hanapin natin si Yahweh.
Lalapit siya sa inyo at pauulanan kayo ng pagpapala.
Footnotes
- Hosea 10:10 Sasalakayin: Sa ibang manuskrito'y Sa aking kagustuhan na maparusahan .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.