Add parallel Print Page Options

Hinatulan ni Yahweh ang Israel

Sinabi(A) ni Yahweh, “Ang Israel ay patuloy sa pagkakasala;
    mula pa noong sila'y nasa Gibea.
    Dahil dito'y aabutan siya ng digmaan sa Gibea.
10 Sasalakayin[a] ko ang bayan,
    at magsasanib ang mga bansa laban sa inyo.
    Kayo'y pinarusahan ko dahil sa patung-patong na kasalanan.

11 “Ang Efraim ay parang dumalagang baka
    na sanay at mahilig sa gawang paggiik,
ngunit ngayo'y isisingkaw ko na siya;
    ang Juda ang dapat humila ng araro;
    at ang Israel naman ang hihila ng suyod.

Read full chapter

Footnotes

  1. 10 Sasalakayin: Sa ibang manuskrito'y Sa aking kagustuhan na maparusahan .