Add parallel Print Page Options

Ako ang nag-alaga sa kanila. Inakay ko sila[a] at tinuruang lumakad, pero hindi nila kinilala na ako ang kumalinga[b] sa kanila. Pinatnubayan ko sila nang buong pagmamahal, tulad ng isang taong nag-aangat ng pamatok sa baka upang mapakain ito. Pero dahil ayaw nilang bumalik sa akin, babalik sila sa Egipto, at paghaharian sila ng Asiria.

Read full chapter

Footnotes

  1. 11:3 sila: sa Hebreo, Efraim. Makikita rin ang salitang Efraim sa Hebreo sa talatang 8, 9 at 12. Tingnan ang “footnote” sa 4:17.
  2. 11:3 kumalinga: sa literal, nagpagaling.