Add parallel Print Page Options

May mga paratang din ang Panginoon laban sa mga taga-Juda na lahi ni Jacob. Parurusahan niya sila ayon sa kanilang pag-uugali; gagantihan niya sila ayon sa kanilang mga ginawa. Noong si Jacob na kanilang ninuno ay nasa tiyan pa lamang ng kanyang ina, nais na niyang lampasan ang kanyang kakambal.[a] At noong lumaki na siya, nakipagbuno siya sa Dios sa pamamagitan ng anghel,[b] at nagtagumpay siya. Umiiyak siya habang nagmamakaawang pagpalain siya ng anghel. Nakita niya ang Dios sa Betel, at doon nakipag-usap ang Dios sa kanya.[c]

Read full chapter

Footnotes

  1. 12:3 nais … kakambal: sa literal, hinahawakan niya ang sakong ng kanyang kapatid.
  2. 12:4 anghel: o, sugo ng Dios.
  3. 12:4 kanya: Ito ang nasa Septuagint at sa Syriac. Sa Hebreo, atin.