Add parallel Print Page Options

10-11 Nasaan na ngayon ang mga hari at mga pinuno na sa tingin ninyoʼy magliligtas sa inyo? Hiningi ninyo sila sa akin sa pag-aakalang maliligtas nila kayo, at sa galit ko sa inyoʼy ibinigay ko nga ang mga ito, at dahil din sa galit ko, silaʼy kinuha ko. 12 Hindi ko makakalimutan ang mga kasalanan ninyo.[a] Para itong kasulatang binalot at itinago.

13 “Binigyan ko kayo ng pagkakataong magbagong-buhay pero tinanggihan ninyo ito dahil mga mangmang kayo. Para kayong sanggol na ayaw lumabas sa sinapupunan ng kanyang ina sa panahon na dapat na siyang lumabas.

Read full chapter

Footnotes

  1. 13:12 ninyo: sa Hebreo, Efraim. Tingnan ang “footnote” sa 4:17.