Add parallel Print Page Options

15 Doon(A) ay ibabalik ko sa kanya ang kanyang mga ubasan,
    at gagawin kong pinto ng pag-asa ang Libis ng Kaguluhan.
Tutugon naman siya tulad noong panahon ng kanyang kabataan,
    nang siya'y ilabas ko sa lupain ng Egipto.”

16 “At sa araw na iyon,” sabi ni Yahweh, “Ang itatawag mo sa akin ay ‘Aking Asawa,’ at hindi mo na ako tatawaging ‘Aking Baal.’ 17 Sapagkat ipalilimot ko na sa iyo ang mga pangalan ng mga Baal, at hindi na muling ipababanggit ang mga ito.

Read full chapter