Font Size
Hosea 2:16-18
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Hosea 2:16-18
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
16 Sinabi ng Panginoon sa mga Israelita, “Sa araw na iyon ng inyong pagbabalik sa akin, tatawagin ninyo ako na inyong asawa at hindi na ninyo ako tatawaging Baal.[a] 17 Hindi ko na hahayaang banggitin ninyo ang mga pangalan ni Baal. 18 Sa araw na iyon, makikipagkasundo ako sa lahat ng uri ng hayop na huwag nila kayong sasaktan. Aalisin ko sa lupain ng Israel ang lahat ng sandata tulad ng mga pana at espada. At dahil wala nang digmaan, matutulog kayong ligtas at payapa.
Read full chapterFootnotes
- 2:16 Baal: Pangalan ito ng isang dios-diosan sa Canaan na ipinangalan din ng mga Israelita sa Panginoon. Ang Baal ay nangangahulugan din na “amo”.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®