Font Size
Hosea 2:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Hosea 2:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
17 Sapagkat ipalilimot ko na sa iyo ang mga pangalan ng mga Baal, at hindi na muling ipababanggit ang mga ito. 18 Sa araw na iyon, alang-alang sa iyo, makikipagkasundo ako sa mga hayop sa parang, sa mga ibon sa kalawakan, sa mga nilikhang sa lupa'y gumagapang. Aalisin ko sa lupain ang pana, ang espada at ang digmaan. Upang kayo'y makapagpahingang matiwasay.
19 Ikaw ay magiging aking asawa magpakailanman, Israel;
mabubuklod tayo sa katuwiran at katarungan,
sa wagas na pag-ibig at sa pagmamalasakit sa isa't isa.