Add parallel Print Page Options

18 Sa araw na iyon, alang-alang sa iyo, makikipagkasundo ako sa mga hayop sa parang, sa mga ibon sa kalawakan, sa mga nilikhang sa lupa'y gumagapang. Aalisin ko sa lupain ang pana, ang espada at ang digmaan. Upang kayo'y makapagpahingang matiwasay.

19 Ikaw ay magiging aking asawa magpakailanman, Israel;
    mabubuklod tayo sa katuwiran at katarungan,
    sa wagas na pag-ibig at sa pagmamalasakit sa isa't isa.
20 Ikaw ay magiging tapat kong asawa,
    at kikilalanin mong ako nga si Yahweh.”

Read full chapter