Font Size
Hosea 4:10-12
Magandang Balita Biblia
Hosea 4:10-12
Magandang Balita Biblia
10 Sila'y kakain, ngunit hindi mabubusog;
makikipagtalik sila sa mga babae sa templo, ngunit hindi sila magkakaanak;
sapagkat itinakwil nila si Yahweh
at sila'y bumaling sa ibang mga diyos.”
Isinumpa ni Yahweh ang Pagsamba sa mga Diyus-diyosan
11 “Ang alak, luma man o bago,
ay nakakasira ng pang-unawa.
12 Sumasangguni ang aking bayan sa diyus-diyosang kahoy; itinatanong nila sa haliging kahoy kung ano ang dapat gawin.
Sinasagot sila sa pamamagitan ng tungkod.
Sila'y iniligaw ng masamang pamumuhay,
at ipinagpalit nila sa kahalayan ang kanilang Diyos.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.