Add parallel Print Page Options

13 Nag-aalay sila ng mga handog na susunugin sa mga sagradong bundok,
    at nagsusunog ng mga handog sa ibabaw ng mga burol,
sumasamba sila sa ilalim ng mga ensina, alamo at roble,
    sapagkat mayabong ang mga ito at malawak ang lilim.
Kaya't nakikipagtalik kahit kanino ang iyong mga anak na dalaga,
    at nangangalunya naman ang mga manugang mong babae.
14 Gayunman, hindi ko paparusahan ang iyong mga anak na dalaga kahit sila'y magpakasama.
    Gayundin ang iyong mga manugang kahit na sila'y mangalunya;
sapagkat ang mga lalaki ay nakikipagtalik din sa mga babae sa templo,
    at kasama nilang naghahandog sa mga diyus-diyosan.
Ganyan winawasak ng mga taong hangal ang kanilang sarili.

15 “Bagaman ikaw ay nangalunya, O Israel,
    hindi naman kailangang papanagutin din ang Juda.
Huwag kang pumasok sa Gilgal,
    ni umakyat sa Beth-aven;[a]
    at huwag kang sumumpa ng, ‘Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy.’[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. Hosea 4:15 BETH-AVEN: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito'y “bahay ng kasamaan”.
  2. Hosea 4:15 Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy: o kaya'y Hangga't si Yahweh ay nabubuhay .