Font Size
Hosea 4:15-17
Magandang Balita Biblia
Hosea 4:15-17
Magandang Balita Biblia
15 “Bagaman ikaw ay nangalunya, O Israel,
hindi naman kailangang papanagutin din ang Juda.
Huwag kang pumasok sa Gilgal,
ni umakyat sa Beth-aven;[a]
at huwag kang sumumpa ng, ‘Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy.’[b]
16 Matigas ang ulo ng Israel,
tulad ng dumalagang baka.
Kaya't pakakainin pa ba sila ni Yahweh
tulad ng mga tupang dinadala niya sa maluwang na pastulan?
17 Nakiisa sa mga diyus-diyosan ang Efraim;
pabayaan mo na siya.
Footnotes
- Hosea 4:15 BETH-AVEN: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito'y “bahay ng kasamaan”.
- Hosea 4:15 Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy: o kaya'y Hangga't si Yahweh ay nabubuhay .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.