Font Size
Hosea 4:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Hosea 4:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Paratang ni Yahweh Laban sa mga Pari
4 “Gayunma'y huwag magbintang ang sinuman,
at huwag usigin ang iba,
sapagkat ang hinanakit ko'y laban sa inyo, mga pari.
5 Araw at gabi'y lagi kayong nabibigo,
at ang propeta'y kasama ninyong bigo.
Kaya't lilipulin ko ang Israel na inyong ina.
6 Nalipol ang aking bayan dahil sa kamangmangan;
sapagkat itinakwil ninyo ang karunungan,
itinatakwil ko rin kayo bilang pari.
At dahil kinalimutan ninyo ang kautusan ng inyong Diyos,
kalilimutan ko rin ang inyong mga anak.