Add parallel Print Page Options

Kayo at ang mga propeta ay mapapahamak sa araw man o sa gabi pati ang inyong mga ina.[a]

“Napapahamak ang aking mga mamamayan dahil kulang ang kaalaman nila tungkol sa akin. Sapagkat kayo mismong mga pari ay tinanggihan ang kaalamang ito, kaya tinatanggihan ko rin kayo bilang mga pari ko. Kinalimutan ninyo ang Kautusan ko kaya kalilimutan ko rin ang mga anak ninyo. Habang dumarami kayong mga pari, dumarami rin ang mga kasalanan ninyo sa akin. Kaya ang inyong ipinagmamalaki ay gagawin kong kahihiyan.[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:5 mga ina: o, ina, na ang ibig sabihin, ang bansang Israel.
  2. 4:7 Kaya … kahihiyan: o, Ipinagpalit ninyo ang inyong maluwalhating Dios sa nakakahiyang Mga dios-diosan.