Add parallel Print Page Options

Ang bayan ng Gilead ay tirahan ng masasamang tao at mga mamamatay-tao. Ang inyong mga pari ay parang mga tulisan na nag-aabang ng kanilang mabibiktima. Pumapatay sila sa daang patungo sa Shekem,[a] at gumagawa ng marami pang nakakahiyang gawain. 10 Mga taga-Israel, kakila-kilabot ang nakita ko sa inyo. Sumasamba kayo sa mga dios-diosan, kaya naging marumi[b] kayo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 6:9 Shekem: Isa ito sa mga bayan kung saan maaaring magtago ang sinumang makapatay ng tao nang hindi sinasadya, at doon ay walang sinumang makakagalaw sa kanya.
  2. 6:10 marumi: Ang ibig sabihin, hindi na maaaring makabahagi sa mga seremonya sa templo.