Add parallel Print Page Options

At habang papalapit sila sa hari at sa kanyang mga opisyal para patayin, nagniningas ang kanilang galit na parang mainit na pugon. Bago pa sila sumalakay, magdamag ang kanilang pagtitimpi ng kanilang galit, kaya kinaumagahan para na itong nagniningas na apoy. Galit na galit silang lahat na para ngang nagniningas na pugon. Kaya pinatay nila ang kanilang mga pinuno. Bumagsak lahat ang kanilang mga hari, pero wala ni isa man sa kanila ang humingi ng tulong sa akin.

“Nakikisalamuha ang Israel[a] sa ibang bansa. Silaʼy walang pakinabang tulad ng nilutong manipis na tinapay na nakalimutang baligtarin.[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 7:8 Israel: sa Hebreo, Efraim. Makikita rin ang salitang Efraim sa Hebreo sa talatang 11. Tingnan ang footnote sa 4:17.
  2. 7:8 nakalimutang baligtarin: Maaaring ang ibig sabihin ay nasunog o hilaw ang kabila.